Ang ibig mo bang sabihin ay peke ang kwintas na aking naiwala?
Nakasalubong ni Madame Forestier si Mathilde ngunit hindi siya agad nakilala dahil sa malaking pagbabago ng itsura nito. Ikinuwento ni Mathilde ang tungkol sa nawalang kuwintas at nalaman niyang imitasyon lang pala ito.
Slide: 2
Pasensya na, Mathilde, hindi ko agad nasabi na peke lang ang kuwintas. Ibabalik ko na lang ito sa inyo, lalo na’t galing iyon sa inyong ipon at pinaghirapan.
Ngunit hindi ko kayang tanggapin yan, ibinigay na namin sa iyo yan.
Ikaw naman Mathilde, sa inyo ito ang pera niyo ang ginamit na pambili dito. Kaya nararapat lamang na ibalik ko saiyo ito, tanggapin mo.
Maraming Salamat, higit na makakatulong ito.
Naawa si Madame Forestier sa pinagdaanan ni Mathilde at humingi ng tawad dahil hindi niya agad nasabi na peke lang ang kuwintas. Ibinigay niya muli ang kuwintas kay Mathilde upang maibenta at mabawi ang nawalang pera o magsimula ng negosyo.
Slide: 3
Siguradong higit na matutuwa rito ang aking asawa.
Kinuha ni Mathilde ang kwintas na iyon, dahil sa pag-uusap nila ni Madame Forestier. Masayang naglakad pauwi si Mathilde upang ibalita sa kanyang asawa ang nangyari.
Slide: 4
Mahal nandiyan ka na pala
Mahal, may magandang balita akong ikagagalak mo!
Pagdating sa bahay, nadatnan ni Mathilde si G. Loisel sa sala at agad niyang ikinuwento ang naging usapan nila ni Madame Forestier
Slide: 5
Nagkita kami ni Madame Forestier, at sinabi niyang peke lang ang kuwintas. Ibinalik niya ang orihinal na kuwintas na ibinigay natin sa kanya.
Totoo ba iyan mahal?
Oo nga mahal, nawa'y maging leksiyon na din sa atin itong pangyayari na ito.
Oo mahal, ang laki ng pasasalamat ko sakanya dahil ganun pa man ay ginawa niya tayong tulungan.
Sinabi ni Mathilde kay G. Loisel ang buong pangyayari at ang plano nilang magbukas ng negosyo. Hindi makapaniwala si G. Loisel at ikinatuwa ang balita.
Slide: 6
Simula noon, natutong makuntento si Mathilde, kaya't namuhay silang masaya at walang pangamba. Sinimulan nila ang munting negosyo gamit ang pera mula sa pagbenta ng kuwintas.