KABANATA 19: ANG SULIRANIN NG MGA GUROKryzel Payunan 9 - Metcalfe
Slide: 2
Sa lawang iyon itinapon ang bangkay ng iyong ama. Kasama ko si Tinyente Guevarra noon.
Maraming salamat po, ginoo
Nag-uusap sina Crisostomo at ang guro sa tabing lawa
Slide: 3
Hindi kailangan niyo ako'y pasalamatan, malaki ang utang na loob ko sa iyong ama
Natawa ang guro sa sinabi ni Ibarra. Ibinaling ng guro ang usapan sa mga suliranin tungkol sa edukasyon ng mga bata
Slide: 4
Nawawalan sila ng interes sa pag-aaral dahil kulang sila sa panghihikyat ng kanilang mga magulang. At kung meron man ay nagiging sagabal sa kanila ang kahirapan. Isa pa'y kailangang maisaayos at iwasto ang pagtuturo. Nakasanayan ng mga bata ang magsaulo sa halip na unawaing mabuti.
Ano ba ang higit na makakatulong sa kanila?
Pinipilit ko po. Subalit dala ng maraming kakulangan ay hindi ito madaling nagawan ng solusyon.
Bakit hindi ninyo nagawang lusutan ang suliraning iyan noon pa?
Slide: 5
Makakatulong sa mga batang magsisipag-aral kung magkakaroon ng isang gusali ng paaralan. Kadalasang ginaganap ang klase sa silong ng kumbento o sa tapat ng karwahe ng kura. Naiistorbo ang kura kung kaya't madalas kaming nabubulyawan. Nababawasan ang respeto sa akin ng mga bata dahil ako'y nabubulyawan rin.
Sinubukan ko silang turuan ng wikang kastila at sila'y natutu ngunit hindi sang-ayon so Padre Damaso
Pero higit kong ipinagbuti ang pag-aaral ng wikang kastila.
Matamang nakikinig si Crisostomo sa pahayag ng guro
Nais kong ipamukha kay Padre Damaso ang aking katuwiran ngunit sadyang makapangyarihan si Padre Damaso. Ano ang aking magiging laban sa kanya?
Slide: 6
Nagkasakit ako sa sama ng loob lalo nang sabihin ng isang mag-aaral na siya'y magsasakristan na lamang sapagkat nakakababa ng pagkatao ang pag-aaral
Naunawaan ni Crisostomo ang guro kaya't nangako siya
Opo at higit akong nasiyahan ng mailipat si Padre Damaso sa ibang lugar at nagkaroon ako ng kalayaan na gumawa ng ilang pagbabago sa pagtuturo.
Ngunit sa kabila po ba ng lahat kayo'y masaya dahil may naturuan kayong mag-aaral?
Nagturo ako ng kasaysayan at pagtatanim ngunit pinatawag ako ng kura. Nais niyang katekismo lamang ang aking ituro. At hindi ito nauunawaan ng mga bata. Kaya ang Europa ay lalong umuunlad at tayo'y nananatiling mangmang
Slide: 0
Hindi kayo dapat mawalan ng pag-asa. Inimbitahan ako sa pulong ng tribunal. Ito ang magandang pagkakataon upang ihain sa kanila ang inyong mga suliranin