Ang dami ko namangpag-aarlan. Kailangan matapos ko ito lahat!
"Tama o Mali"
Hmmm ano kaya kung gumawa na lamang ako ng kodigo o kaya mangopya na lamang ako sa katabi ko?!
"Tama o Mali"
ahhhh! hindi tama ang aking naiisip. Ayaw ko maging mandaraya sa aking kapwa at sa aking sarili kaya't ako ay mag-aaral nang mabuti at determinado akong matatapos ko ito lahat.
Maagang umuwi ng bahay si Jose upang mag-aral para sa nalalapit na pagsusulit sa Unang Markahan. Aminado siyang mahina siya sa klase at sa mga asignatura kaya't nag-aalala siya kung matatapos niya ba itong aralin lahat.
Dahil sa dami ng kaniyang pagaaralan at tila ba parang pinanghinaan na siya ng loob, naisip ni Jose na bakit hindi na lamang siya gumawa ng kodigo o kaya mangopya sa kaniyang katabi ng sa gayon ay hindi na niya kailangang mag-aral pa ng napakadami.
Ngunit hindi nagtagal nanaig sa kaniya ang pagkakaroon ng mabuting konsensya at napagtanto niyang mali ang kaniyang iniisip. Naisip din niya na hindi maganda sa pakiramdam ang makakuha ng mataas na grado pero hindi naman pinaghirapan. Kaya't nagdesisyon siyang mag-aaral siya nang mabuti sa abot ng kaniyang makakaya upang magkaroon ng mataas na marka sa pagsusulit.
Over 30 Million Storyboards Created
No Downloads, No Credit Card, and No Login Needed to Try!