Search

Unknown Story

Copy this Storyboard
Unknown Story

Storyboard Text

  • Noong naiwala ni Mathilde ang kuwintas, siya'y naging misebrable kasama ng kaniyang asawa. Kaya noong nakausap niya si Madam Forestier at gayon na lamang ang kaniyang tuwa noong malaman niya na hindi totoo ang kuwaintas na kaniyang naiwala.
  • Ikinwento niya ito kay G. Loisel at sabay silang nagtungo sa bahay ni Madam Forestier para kuhanin muli ang kuwintas na kaniyang naibigay kapalit ng pekeng kuwintas na kaniyang naiwala. Laking tuwa nila ng ibinigay ito ni Madam Forestier sa kanila at pauli-ulit silang nagpasalamat para sa kabutihang ipinamalas nito sa kanilang mag-asawa.
  • Pagkatapos noon, isinangla nila ang kuwintas para mabawi ang perang nawala sa kanila. At dito nag-umpisa ang pagiging maginhawa ng kanilang buhay.
  • Ngunit hindi dito nagtatapos ang dagok sa kanilang buhay sapagkat sa hindi inaasahang pangyayari nasawi si Mathilde sa isang aksidente. Kaya gayon na lamang ang paghihinagpis ni G. Loisel sa pagkawala ng kaniyang asawa. Ngunit ipinangako niya sa kaniyang sarili na hinding-hindi siya susuko sapagkat kasama pa niya ang kanilang anak na si Matilda. Nagkaroon sila ng anak bago pa man mangyari ang aksidente na iyon.
  • Noong lumaki na si Matilda, nakilala niya ang isang binatang nagngangalang Julio. Ipinakilala ni Matilda si Julio kay G. Loisel at may ipinagtapat ang binata. Ang kaniyang ina umano ang kumuha sa kuwintas ni Mathilde dala ng inggit dahil nasa kanya ang atensyon ng mga tao noong salu-salo, humingi ng paumanhin si Julio sa ginawa ng kaniyang ina. Ibinalik din nito ang kuwintas at ito ang nagsilbing ala-ala nina Matilda at G. Loisel sa namayapang si Mathilde.
  • At ayon kay G. Loisel, nangyari na ang nararapat mangyari at hindi na ito maibabalik pa kaya't pinatawad niya ang ina ni Julio at binigyan niya ng basbas si Matilda at ang kaniyang kasintahan. At simula noon, namuhay ng masaya ang buong pamilya dahil ito ang hiling ni Mathilde. At dito nagtatapos ang maikling kwento na pinamagatang: Ang kuwintas.
Over 40 Million Storyboards Created
No Downloads, No Credit Card, and No Login Needed to Try!
Storyboard That Family