Si Ben ay ang kaisa-isang anak nina Aling Maria at Mang Juan. Manang-mana si Ben sa kanyang mga magulang na mayroong mabubuting puso.
Mahilig syang tumulong sa mga nangangailangan at walang pagaatubili nya silang tinulungan.
Ito po, kain na po kayo!
Iho, mayroon ka bang pagkain?
Isang araw, nagkaroon ng matinding sakit si Ben at sa kabila ng pagpapagaling ng mga magulang nya ay hindi ito gumagaling at kalauna'y namatay
S-sino ka?!
Ngunit bakit at para saan mo ito gagamitin?
Isa akong diwata at narito ako upang hilingin na kunin ang puso ni Ben
Isang araw, sa burol ni Ben, sumulpot ang isang diwata at may hiniling ito
Kahit na hindi nila alam kung saan ito gagamitin, ibinigay nila Aling Maria at Mang Juan ang puso ng kanilang anak. Matapos ito ay nagtungo ang diwata sa kagubatan at ibinaon ito sa lupa.
Ang lahat ng mga mabubuting puso ay namumunga..
Makalipas ang ilang mga araw, pinuntahan nina Aling Maria at Mang Juan ang pinagtaniman ng puso ng kanilang anak. Nagulat sila at namangha sa kanilang nakita pagkat tumubo ang isang puno na may bungang hugis puso. PInangalanan nila ang bunga na "manga" na kalaunay tinawag ng "mangga"
Tama, mabuti pa nga.
Talagang napakabuti ng puso ng ating anak. Agad itong namunga din ng hugis puso
Kaya nga. Ano kaya't tawagin nating itong Manga? Salitang pinaghalong mabuti at bunga?