Search
  • Search
  • My Storyboards

Unknown Story

Create a Storyboard
Copy this Storyboard
Unknown Story
Storyboard That

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Storyboard Text

  • Noong unang panahon nung ang mga hayop ay nakakapagsalita pa, isang tigre ang naghahanap ng pagkain sa gubat. Ilang oras niyang nilakad ang gubat ngunit wala siyang mahanap. Sa kanyang paglilibot, nahulog siya sa napakalim na bangin na hindi niya napansin.
  • Nahullog ang tigre sa malalim na hukay. Sumigaw siya nang sumigaw upang siya ay matulungan subalit walang nakarinig sa kanya. Malapit na siyang mawalan ng pag- asa sapagkat magdamag na siyang nagsasaklolo. Hanggang sa....
  • Pakiusap! Tulungan mo akong makalabas dito. Pangako na walang kang dapat ipangamba.
  • Nagmamakaawa ako, tulungan mo ako, tao. Tatanawin kong malaking utang na loob ang iyong kabutihan ginawa.
  • Hala! May tigre!
  • Sandali! Sandali! Hindi ba't pinangako mong hindi mo ako sasaktan? Ito ba ang paraan mo ng pagsasalamat at pagtanaw ng utang na loob?
  • Tanungin muna natin ang Puno kung makatarungan ba ang iyong gagawin.
  • Ako ay gutom na gutom na kaya wala na akong pakialam sa aking mga pangako.
  • Sige.
  • Huwag kanang magdalawang- isip na pawiin ang iyong gutom, Tigre. Ano ang alam ng mga tao sa pagtanaw ng utang na loob? Ang aking mga kapwa kahoy ay nais mamuhay ng mapayapa dito sa kagubatan ngunit kinukuha ninyo ang aming mga sanga at dahon. Pangarap naming yumabong ngunit ito ay hindi namin magawa sapagkat pinuputol ninyo kami upang gamitin sa pagpapatayo ng inyong bahay. At isa pa rito, mismong tao ang humukay ng butas na iyan. Sige na tigre kainin mona siya.
  • Sige. Isasalaysay natin sa kanya ang nangyari at kung sa gayon ay maibahagi niya ang kayang saloobin.
  • Ano ang masasabi mo? Pano ba yan kakainin na kita.
  • Hintay! Nais kong marinig ang hatol ni Baka.
Over 30 Million Storyboards Created