Lakad-takbo ang kanyang ginawa habang tinitiis ang pagkangalay ng mga kamay nabumibitbit sa konting butil ng bigas at ilang gamot. Kailangang makipaghabulan siya saoras, ang bawat sandali'y mahalaga para sa kanya.
Marahil ay ganoon din ang nararamdaman ng kuya Lito niya noon. Matindingpoot sa dibdib ang naghihimagsik lalo pa't ang natitirang pag-asa'y nabahiran ngpagkabigo. kapirasong lupang pag-aari ng kanyang ama na kinakamkam ni Don
KUYA LITO
DON
Hindi alintana ngkanyang kuya Lito ang init ng singkad ng araw na tumitimo sa bahaging laman ngkanyang batok. Hangad palibhasa'y makaahon sa lupa at masilayan ang langit.
May bahid ng ngiti ang mga salitang binitiwan ng kanyang kuya Lito isang haponnoon habang kausap nito ang kanilang ama na nakaratay sa kamang yari sa kawayan.
"Sana nga anak, harinawa nga."
"Kaunting panahon na lamang at hindi na tayo magdaranas ng paglulukot ngtiyan at muling manunumbalik ang iyong lakas, Itay."
Isang araw pa bago mag-anihan. Taliwas sa mga pangyayari ay umusbong angpanganib sa kabukiran. Ilang sandali'y narinig nila ang mga yabag ng papalapit na mgapaa na aali-aligid sa kanilang kubo. Tumaas ang kilay ng kanyang kuya Lito sabayhablot sa tabak na nakasabit sa may haligi ng dingding.