Sevi, paano mo ipaglalaban ang sariling karapatan at karangalan?
Pasensya ka na Luna, hindi ko masasagot ang tanong mo kung papaano pero ito ang masasabi ko.
Ang ating mga karapatan, kung ating iisipin ay isang bagay na libre, hindi kailangang bilhin, hindi kailangang hingin, hindi kailangang magmakaawa sa iba para matamasa at higit sa lahat, hinding-hindi dapat ito ipagkait. Naniniwala ako na hindi dapat natin kailangang ipaglaban ang sarili nating karapatan.
Bakit naman? Ano kaya iyon?
Ang mga karapatan ang magliligtas at makakatulong sa tao upang mamuhay ng payapa at may kabuhulan. Importanteng gamitin natin ito ng naayon at tama. Pahalagahan natin ang mga karapatang ating tinatamasa at maayos nating isabuhay ang lahat ng ito upang magkaroon ng kabuluhan ang ating mga karapatan.
Totoo ang lahat ng sinasabi niya...
Kung nais natin ng maayos na lipunan, kailangan nating bukas-palad na mag-ambag sa pagtataguyod ng isang mundo kung saan ang ating mga karapatan at katungkulan ay nirerespeto at isinasakatuparan. Kaya dapat isabuhay ng bawat isa na ang bawat karapatan ay irespeto, wag abusuhin bagkus ay gamitin sa naayon at tamasahin ng bawat isa.
Tama ka!
Sa lahat ng aking nabanggit, nagkakaroon rin tayo ng karangalan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga ito sapagkat ang karangalan ay isang bagay ng pagsasakatuparan, at pamumuhay ng mga halagang paggalang, tungkulin, katapatan, walang pag-iimbot na serbisyo, integridad at personal na tapang sa lahat ng iyong ginagawa, at iyong pinagsikapan.