Unti-onti kong naiisip hindi naman pala nakakatakot mag-aral, sadyang natatakot lang akong subukan, pinangunahan ako ng takot kaya hindi ko nais pumasok. Mabuti na ngayon at nandito na ako, gustong gusto ko na pumasok lagi.
Lumipas ang mahabang panahon, natapos ko ang Grade 1 at nagtamo ako ng Pangpito sa magagaling sa klase, iba ang saya na naramdaman ko.
Mama! Pangpito ako magagaling sa klase, gusto kong tumuloy hanggang makatapos ako ng elementarya at sa aking pag-aaral.
Sabi ko sa'yo kayang kaya mo 'yan! proud na proud ako sa'yo, ipagpatuloy mo lang Macmac, malaki ang makakamit mo sa buhay mo, masaya akong sinubukan mo at nilabanan mo ang takot mo.
Nakakatuwang isipin na napagtagumpayan ko lahat 'yon, nilagpasan ko ang takot ko at tignan mo ako ngayon nasa ikasampung baitang na.
Kaya nga, ayon rin ang rason kung bakit mas pinagbubutihan kong sumubok sa lahat ng bagay, wala namang mawawala sa'kin, mas madadagdagan lang ang aking karanasan sa iba't ibang bagay.
Grabe! wala akong masabi sa kwento mo, ang nararamdaman ko nalang ay kasiyahan dahil napagtagumpayan mo 'yon, mabuti at sinubukan mo. Walang nawala sa'yo at dahil sa pag-aaral mo ay mas lumago ang kaalaman mo.
Grabe! wala akong masabi sa kwento mo, ang nararamdaman ko nalang ay kasiyahan dahil napagtagumpayan mo 'yon, mabuti at sinubukan mo. Walang nawala sa'yo at dahil sa pag-aaral mo ay mas lumago ang kaalaman mo.