Ang mga bata ngayon, iba na talaga ang kanilang lenggwahe. Maraming mga slang na hindi ko maintindihan! Hindi na nga nila alam kung ano ang singkwenta, otsenta, sitenta...
Yea bro I'm G kahit saan, Dad told me I should make bili daw of new clothes kasi may bago na daw na trend these days.
Hey Mark! Come here! Nandito na ako, G ka ba sa SM but you know it's sobrang crowded na doon kaya what if sa Podium nalang tayo mag hang? Kasama naman natin ang ibang trops.
Tama rin naman si Elise, ang mga bata ngayon ay nasanay na sa wikang Ingles at unti unti nang nalilimutan ang wikang Pilipino, Dapat ay mas lalong bigyan ng pansin ang ating wika.
Hm... I would look so cool kapag nakapag sulat ako ng baybayin on Instagram so that I can flex it to my other friends!
Ang baybayin ay sinaunang sistema ng pagsulat noong panahon bago pa dumating ang mga kastila, napakaluma na nito pero maraming gustong matuto nito dahil kakaiba daw and uso ito.
Habang tumatagal ang panahon mapapansin mo talaga na ang mga henerasyon ngayon ay sanay na sanay na sa Ingles, nalilimutan na ang mga salitang Pilipino na ginagamit sa pang araw-araw, dapat na bigyan pansin ang ating wika dahil ito ay dinala ng ating mga ninuno at kahit doon man lan ay maalala natin sila muli.
Anong natutunan mo ngayon sa inyong asignatura na Filipino?