Sa isang mamahaling restawran, pumarada ang isang pulang Cadillac sakay ang mag-asawang Fatma at Raden Kaslan. Magara ang kanilang kasuotan, bakas ang rangya at yaman sa buhay.
Umupo ang mag-asawa sa harap ng restawran at umorder ng mamahaling pagkain at inumin.
Sakay ang natutulog na matandang kutsero na si Pak Idjo, isang lumang kalesa na hila-hila ng kabayo ang pumarada. Walang anu-ano'y may naghahabulang aso't pusa at nagulat ang kabayo.
.
Sa di inaasahang pangyayari, nasagi ng kabayo ang pulang Cadillac. Nasira ang chromium at pintura ng kotse at nabasag pa ang salamin nito. Nanlumo si Pak Idjo sa nangyari. Sa kanyang sitwasyon ngayon, wala siyang kakayahan para mabayaran ang nasirang kotse. Galit na galit si Raden Kaslan sa nangyari sa kanyang pulang Cadillac.
Galit na galit si Raden Kaslan sa sinapit ng kanyang kotse. Takot na takot naman si Pak Idjo. Tumawag ng pulis si Raden Kaslan. Nakiusap si Pak Idjo kay Raden Kaslan na wala siyang kakayahang magbayad lalo pa at siya ay may karamdaman.Nasagi ng kabayo ang pulang kotse at nasira ang chromium at pintura nito at nabasag pa ang salamin.
Abut-abot ang paghingi ng paumanhin ni Pak Idjo kay Raden Kaslan sa nangyari. Kahit siya pa ay patayin ay wala siyang ibabayad. Kahit galit na galit si Raden Kaslan ay wala siyang nagawa kung hindi hayaan na lamang ang matandang pobre.
Galit na galit pa rin si Raden Kaslan sa nangyari ngunit wala na siyang magagawa kung hindi ang hayaan nalang ang matandang pobre dahil sa kalagayan nito ay imposible na talagang mabayaran ang nasirang kotse.