Mayroon palang konstruksyon dito malapit sa aming bahay. Ano kayang ginagawa nilang estraktura?. Teka naalala ko ang tinalakay ng aking guro kanina sa oras ng Araling Panlipunan (Ekonomiks) na kabilang ang Konstruksyon sa Mga Sekondaryang Sektor ng Industriya. Tatanungin ko nga ang mga manggagawa na iyon kung ano ang ipinapatayo rito.
Ayos nga iyon, hindi na kailangan lumayo ng mga bata at gumastos. pa ng malaking pamasahe papasok. Balita ko rin na ito'y pampublikong paaralan at pinapagawa ng pamahalaan
May kalakihan rin itong pinapagawang bagong paaralan dito sa lugar na ito ah.
Oo nga, hindi mo na kailangan gumastos pa ng malaki dahil magkakaroon na ng paaralan malapit sa inyo.
Ahh pampublikong mataas na paaralan ang itinatayo namin dito. Magkakaroon na ng malapit na paaralan ang komunidad niyo
Mawalang galang na po, maaari ko po bang maitanong kung ano ang ipinapagawang estruktura dito sa contruction site malapit sa aming komunidad
Magkakaroon na pala ng paaralan malapit sa bahay namin at pwede ko pang lakarin. Hindi na ako makapag-intay na matapos ang pagpapagawa nito. Tiyak na makakatipid din ako sa pamasahe at maaari kong idagdag sa aking savings ang perang pamasahe. Makauwi na nga sa bahay at sasabihin ko kay nanay ang nalaman kong balita.
Nanay! nakita mo na po ba yung ginagawang paaralan malapit dito sa bahay natin? Gusto ko po dun na ako mag-aaral kapag tapos na po itong gawin, para tipid narin at maidadagdag ko sa aking savings ang dapat na pamasahe ko tuwing pumapasok
Oo anak napag-usapan narin namin iyan ng tatay mo, nais naming i-enroll ka dyan sa oras na bukas na sila at tapos na gawin.
Excited na akong mag-aral ng EKONOMIKS sa bagong paaralang aking papasukan. Hindi narin ako makapaghintay na makapagipon ako at ihahanda ko ito sa hinaharap.