Nabigyan naman ng pagkakataon ang magkasintahan na makapag-usap bago gawin ang planong pagtakas. Doon nalaman ni Ibarra na si Padre Damaso ang totoong ama ni Maria Clara kung kaya’t tutol ito sa pagmamahalan at planong pagpapakasal ng dalawa.
Magiging madre ako kung hindi ay magpapakamatay ako
Gamit ang bangka ay tinakas ni Elias si Ibarra. Nakalagpas man sila sa ilang gwardiya sibil nasundan pa din ang kanilang bangkang sinasakyan. Inisip ni Elias na iligaw ang mga humahabol sa pamamagitan ng paglusong nito sa tubig.
ubo* ubo*
Sa pag-aakalang si Ibarra ang tumalon ay hinabol at pinaputukan ng mga sibil hanggang sa magkulay dugo ang tubig. Nawalan ng pag-asawa si Maria Clara dahil pag-aakalang patay na si Ibarra.
Ama sana matupad ang aking panalangin..
Napagdesisyunan nitong pumasok sa kumbento upang maging isang madre. Napilitang pumayag si Padre Damaso sa dalaga dahil magpapakamatay daw ito pag hindi ito pumayag.
Noche Buena na nang makarating si Elias sa gubat ng mga Ibarra na sugatan at nanghihina. Doon ay natagpuan niya si Basilio at malamig na bangkay ni Sisa.
Bago tuluyang bawian ng buhay ay nanalangin si Elias. Mamamatay siyang hindi nakikita ang maningning na pagbukang liwayway. Ngunit para sa mga makakakita, bilin niya na batiin ito at huwag ding makakalimot sa mga nabulid sa dilim ng gabi.
Over 30 Million Storyboards Created
No Downloads, No Credit Card, and No Login Needed to Try!