Kumusta? Ako si Aiko, ang mabait, masipag, maalalahanin at mapagmahal na anak at kapatid. Ako ay tumutulong sa paglilinis ng aming bahay kasama ang aking ate.
Mabuti na lang at may kapatid akong matulungin. Salamat Aiko.
Oo naman ate, kailangan ko ding tumulong para naman mas madaling matapos mga gawaing bahay ate.
Habang nagwawalis si ate ako naman ay kumuha ng basahan para magpunas.
Pagkatapos kong tulungan ang aking ate, pumunta naman ako sa garahe upang iligpit ang mga gamit ng aking tatay nang bigla siyang dumating.
Naku! Napaka-matulungin naman ng aking anak.
Walang anuman tay, kami na lang po bahala sa mga gawain dito sa bahay pagod na po kayo galing trabhao tay e!
Habang ako'y nakaupo at nagpapahinga sa tapat ng aming bahay, may nakita akong isang matandang babae na parang nahihirapan sa kaniyang dala. Kaya naman lumapit ako at tinulungan.
Maraming salamat iho at ako'y talagang nahihirapan na dahil napakarami naman talaga ng pinabili ko.
Mukhang nahihirapan na po kayo ale, tulungan ko na lang po kayo sa mga bitbit niyo.
Ipagpatuloy mo lang ang pagiging matulungin iho, tiyak na masaya ang mga magulang mo sayo.
Wala naman po masama sa pagtulong, basta't nakakabuti ito sa lahat.
Over 30 Million Storyboards Created
No Downloads, No Credit Card, and No Login Needed to Try!