Ilang oras siya'ng naghanap, ngunit di niya mahanap ang sandok.
Pagod na 'ko !
Pinna, gamitin mo ang dalawang mata mo nang maigi. Hanapin mo, baka nadiyan lamang iyan.
Ina'y, kanina pa ko hanap ng hanap. Wala nga talaga !!
Hay nako Pinna ! Mahirap ba'ng maghanap? ? Pina, bigyan ka naman sana ng maraming mata. Hindi bibig ang ginagamit sa pag hanap, kundi mata. Mata Pinna, Mata !
Lumabas si Pinna na umiiyak sa kwarto ng kaniyang Ina. Pumunta siya sa tapat ng kanilang bahay upang magpahinga.
Nagpahinga siya ng saglit ngunit siya'y nakatulog sa kanilang hardin.
Lumipas ang mga oras, ngunit wala pa rin si Pinna. Lumabas si Aling Rosa upang hanpin si Pinna. Ngunit wala siya'ng mahanap kahit anino man lang ng dalaga. May nakita siya'ng kakaibang halaman.
Ang halamg iyon ay may mahahabang dahon, madaming tinik, at si gitna ng mga dahon ay may bunga na tila'y mayroong corona sa itaas. Ang bunga ay mukhang isang ulo na mayroong madaming mata. Naalala niya si Pinna. Pinangalanan niya itong Pinya alin sunod sa pangalan ng kaniyang anak.
Over 30 Million Storyboards Created
No Downloads, No Credit Card, and No Login Needed to Try!