Ang unang utos ng hari kay Don Juan ay patagin ang bundok, at itanim ang mga trigo na ibinigay sa kanya nito,patubuin,pabungahin,anihin, at gawing tinapay na iaalmusal ng hari sa umaga. Sa gabay at tulong ni Maria Blanca ay naging mabilis ang pagtapos ng iniatas na misyon.
Pagtatabon ng bundok sa dagat
Pinakawalan ng hari sa dagat ang labing-dalawang ita na galing sa prasko at ang pangalawang utos ng hari kay Don juan ay ibalik ang mga ito sa prasko bago mag-uaga, sa tulong ni Donya Maria ay nangyari ang kagustuhan ng hari.
Paghahanap ng singsing ng hari
Pangatlo ay Inutusan naman ng haring salermo si Don Juan na iurong ang bundok sa tapat ng kanayang bintana. Sa paamagitan ng mahika ni Maria Blanca ay naging madali ito at nagtagumpay muli si Don Juan
Pagpapaamo ng kabayo
Ika-apat na utos ng haring salermo kay Don Juan ay itabon ang bundok sa gitna ng dagat at doon ay maging kastilyo at sa umaga'y kaniya itong makita. patagin at tayuan ng gulod na pitong hanay, mga kanyon na pangtanggol sa kaharian. Hindi nag-atubili si Maria Blanca at kanyang tinapos ang pagsubok sa pamamagitan ng kanyang mahika.
Ika-limang utos ng hari kay Don Juan ay kunin ang singsing na nawala sa pusod ng dagat. Sa tulong at mga paalala ni Maria Balnca ay naging madali para kay Don Juan ang pagsubok na ito.
Ika-anim na utos ng ni haring salermo kay Don Juan ay paamuhin ang mabangis na kabayo ngunit bago iyon ay ipinaalam na ni Maria Blanca ang dapat gawin