Napaupo na lamang si Mathilde sa isang hagdan dahil sa labis niyang kalungkutan. Ang mga luha’y unti-unting dumadaloy sa kanyang pisngi.Matapos niyang malaman kay Madame Forestier na ang pinahiram nitong kuwintas na nawala naman nito ay peke, hindi niya alam kung magagalit ba siya sa matalik na kaibigan dahil hindi nito agad sinabi o magagalit siya sa kanyang sarili.
Oh, diyos ko, bakit mo ako pinapahirapan ng ganito?!
Nagsimulang magtaka at magalala si Ginoong Loisel sa kanyang asawa dahil simula noong umuwi sya kahapon ay lagi na itong tulala at parang wala sa sarili.
Hindi ako mapapakali hangga't hindi ko nalalaman kung bakit nagkakaganito ang aking asawa
Maari ba tayong magusap aking irog?
Biglang naglaho ang ngiti sa mga labi ni Mathilde at unti-unting nagsipatakan ang luha nito dahil sa tinanong ng kanyang asawa. Nagsimula siyang magkuwento sa kung anong nangyari at maglabas ng sama ng loob.
Napansin kong tulala ka simula kahapon, may problema ba?
Wag mo sabihin iyan, ikaw ay karapat dapat sa pagmamahal ko at asawa kita at mahal kita kaya sasamahan kita sa mga paghihirap mo
Biglang lumuhod si Mathilde habang umiyak at paulit ulit na humihingi ng tawad sa kanyang asawa. Ngayon niya lang napagtanto kung gaano din naghirap ang asawa niya sa kagagawan niya.
Patawarin mo sana ako kung nadamay ka mga kagagawan ko. Naghirap ka ng sampung taon para lang sa akin. Labis ang iyong pagmamahal sa akin at sa tingin ko ay hindi ako karapat dapat para rito.
Habang naguusap si Mathilde at ang kanyang asawa ay biglang may kumatok sa kanilang pintuan. Pinagbuksan nila ito at nakitang si Madame Forestier pala ito. Inaya nila itong pumasok sa kanilang bahay sahil gusto daw nito makipagusap sa kanila.
Over 30 Million Storyboards Created
No Downloads, No Credit Card, and No Login Needed to Try!