Magandang Hapon mga kaklase at G. Tiansay! nais ko pong ibahagi ang aking natutunan sa ating ikatlong markahan.
Nalaman ko rin na ang VAWC ay Isang diskriminasyon, ipinahihiwating na ang babae ay mababang uri lamang ng tao. Tumutugon sa pang aabuso sa mga kababaihan at mga anak ng kanilang dati o kasalukuyang asawa o ka-live-in partner o ka-relasyon.
Natutunan ko rin ang mga uri ng karahasan, mga pwedeng mag reklamo, saan mag rereklamo, kung ano ang parusa, kung sino ang makakasuhan, at kung ano ang mga hakbang na gagawin kung ito ay mangyari sa akin.
Natunghayan ko rin ang Prinsipyo ng Yogyakarta. Naunawaan ko rin kung paano maisusulong ang isang lipunang may pagtanggap at paggalang sa kasarian tungo sa pagkakapantay-pantay.
Nagpapasalamat rin ako sa pamahalaan sa pagkasa ng Magna Carta of Women at Anti-Discrimination Bill na nagaalis ng lahat ng diskriminasyon at pagkapantay-pantay na paningin isat-isa laban sa kababaihan at Lgbt
Naunawaan ko din na ang teksto ng Gender and Development sa Pilipinas upang iyong mapagtatanto kung paano makatutulong ang isang aktibo at responsableng mamamayan sa pagtataguyod ng isang lipunang may pagtanggap at paggalang sa kasarian tungo sa pagkakapantay-pantay.
Alam kong marami pang hakbang ang dapat tahakin upang marating ang isang lipunang walang diskriminasyon at panghuhusga. Ito ay makakamtan lamang kung ang lahat ay may paggalang sa lahat ng tao sa kanyang paligid anuman ang kasarian, edad, o lahi.
Marami pong salamat Ginoong Tiansay sa pagturo nito sa ami. ito po ay tiyak na makakatulong sa aming buhay.
Over 40 Million Storyboards Created
No Downloads, No Credit Card, and No Login Needed to Try!