Excited na ako sa nalalapit na eleksyon para sa SSG.
Ako rin! Balita ko mayroong dalawang partido para sa nalalapit na eleksyon eh. Ang unang partido na "Samahan ng mga Pinunong Estudayante (SPE)" ay pinangungunahan ni Gabriela Salazar na tumatakbo sa pagka-pangulo.
Oo at ang isang partido naman ay ang "Partido ng Mabubuti't Responsableng Pinuno ng Paaralan (PMRPP)"
Ang aming partido ay hindi nangangako nang walang basehan. Tingnan niyo po ang mga nagawa nang proyekto ng iba mga pinunong estudyante na nagmula sa aming partido sa taong ito.
Maipapangako ko nang buong puso na sa mga tumatakbong mag-aaral sa partidong SPE, lahat ay aangat, lahat ay makapagsasalita, lahat mapapakinggan at maaksyonan. Dahil sa SSG na tapat, maaaksyonan ang lahat!
Ang lahat po ng pinangako naming gagawin namin noon ay nagawa na namin ngayon at ang mga ipinapangako naming gagawin namin sa susunod na taon ng pag-aaral at nasimulan na namin.
Ang pagbuo ng matatag na SSG ay nangangailangan ng pagkakaisa. Pagkakaisa sa mga mag-aaral na pinuno at syempre mula rin sa mga sumusuporta o mga normal na mag-aaral katulad ninyo.
Sa pagkakaisa makakamit natin ang lahat ng ating mga pangarap at matutulungan nating ang isa't-isa. Tayo na't magtulungan at ibotong muli ang PMRPP.
Isang taon na muli ang nakalipas mula nang nagsimula ang klase para sa taong 2021-2022 sa Magalang High school kaya naman ngayon, sa pagtatapos ng isang makabuluhang taon, kinakailangang bumoto ng mga mag-aaral para sa pagtatalaga ng mga kapwa mag-aaral sa pamumuno sa kanilang Supreme Student Government (SSG).
Ako naman ay boto sa PMRPP. Para maiba naman at magaganda rin ang kanilang mag proyekto.
Gusto ko sa SPE! Lahat ng ipinangako nila ngayon ay nasimulan na nila. Napatunayan na. Ika nga nila, "Proven and Trusted."
Wah! Bukas na pala ang eleksyon. Hindi pa din ako nakakapagdesisyon sa aking iboboto huhu.
Nang dumating ang araw ng Lunes, nagsimula na ang itinalagang apat na araw ng pangangampanya. May sari-sariling pakulo ang dalawang magkaibang partido. Eto ang naging daloy ng pangangampanya ng partidong SPE.
Ay... akala ko si Gabriela ang mananalo kasi mas marami ang sumusuporta sa kanya tuwing may kampanya...
Oo nga eh, akala ko rin. Kaso, wala naman tayong magagawa kung ganoon nga ang resulta ng eleksyon...
Sa kabilang banda, ito naman ang naging takbo ng pangangampanya ng partidong PMRPP.
Nakalipas na ang apat na araw na inilaan sa pangangampanya. Ginawa ng bawat partido ang makakaya nila upang mabigyang muli ng pagkakataon na makapaglingkod sa paaralan bilang miyembro ng SSG. Ang ibang mag-aaral ay para sa partidong SPE, ang iba'y para sa PMRPP, ang iba ay magkahalo at ang iba naman ay hindi pa sigurado sa nais na iboto.
Dumating na ang araw na Biyernes. Ang araw ng eleksyon. Ang araw na pinakainaabangan ng lahat. Nagsibotohan na ang mag mag-aaral at naging mapayapa naman ang naganap na eleksyon. Sa hapon ng araw na iyon ay lumabas na agad ang resulta ng naganap na eleksyon. Halo-halo ang mga nanalo. Mayroong galing sa SPE at mayroon ding galing sa PMRPP. Sa araw rin na ito, mayroong naganap na kontrobersya sapagkat ang nanalo sa pagkapangulo ay si Valentino Dimagiba. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na mas maraming may gusto kay Gabriela Salazar kaya naman nagtataka sila kung bakit si Valentino ang nanalo.
Over 30 Million Storyboards Created
No Downloads, No Credit Card, and No Login Needed to Try!