Naglalaro si Andoy nang inutusan siya ng nanay niya na bumili ng toyo at suka.
Andoy, halika nga rito! Bumili ka muna sa tindahan ng toyo at suka. Ito ang pera.
PHP 50
Habang naglalakad, nababahala si Andoy sapagkat hindi niya alam kung magkano ba ang ibinigay sa kanya ng kanyang ina.
Naku, bahala na nga! Tiyak naman na hindi ako lolokohin ng tindera.
Nang araw na iyon ay nalinlang ng tindera ang bata. Napagalitan si Andoy ng kanyang ina at napagbintangang mangungupit sapagkat kulang ang ibinalik nitong sukli. Walang araw na hindi nagulangan ng mga tindera si Andoy sa tuwing siya ay bumibili, kaya naman naging tanyag ang bata sa mga tindera sa kanilang pook.
December 9, 2012
Isang araw, nautusan ulit si Andoy na bumili sa tindahan.
Ano yun!?
Pabili po!
Andoy, Andoy, ang batang laging nagugulangan. Paboritong paborito itong pagbilhan ng mga kumare ko.
Bente-kwatro lahat.
Pabili po ng toyo at suka. Ito po ang bayad ko.
Sa halip na dalawampu’t anim na piso ang isukli ng mapagsamantalang tindera, inabutan niya ang musmos ng labing-anim na piso.Agad na dinampot ni Andoy ang sukli.
Mangmang
Salamat po!
Over 30 Million Storyboards Created
No Downloads, No Credit Card, and No Login Needed to Try!