Isang pagkakamali! Hindi kailanman ito magiging wikang pambansa! Anhin natin ang wikang ito? Itatago lamang ng huwad na wikang ito ang ating mga karapatan! Ang ating mga pagkatao!
Ginoong Simoun, mali ang iyong iniisip.
Ilang beses ko na ring tinangkang lapitan si Macaraig, o si Isagani, upang ihayag sa inyo ang pagkakamali ng inyong binabalak, ngunit alam kong hindi kayo makikinig at inyo lamang iisipin na ako'y nasisiraan ng bait.
Sa simula pa lamang, akin nang nasaksihan ang inyong lupon. Ang mga kabataang naghahangad na itatag ang Akademya.
Ngunit, narito na sa akin ang pagkakataon. Hahayaan kitang mabuhay, Basilio. Sumama ka sa akin, sabay nating isakatuparan ang aking mga plano laban ang mapang-api!
Salamat sa pagtitiwala Ginoong Simoun, ngunit ako man ay may mga pangarap din. Gusto kong maging isang ganap na doktor.
Lumalalim na ang gabi. Bumalik ka na sa inyo. Basilio, hindi ko hinihiling na iyong itago ang aking lihim, dahil kahit ihayag mo ito'y tiyak kong hindi ka nila paniniwalaan.
Gayon man, kung sakaling magbago ang iyong isip, hanapin mo lamang ang aking bahay sa may Escolta.
Sige na po, mauuna na po ako Ginoong Simoun.
PT 1 K4CARTOONING / KOMIK STRIPDUMANON, LIA GABRIELLE M.X-FARADAY
Over 30 Million Storyboards Created
No Downloads, No Credit Card, and No Login Needed to Try!