Naalala ko pa noong unang beses ko naranasan magmahal, High School pa ako noon, bata at mangmang sa pag-ibig, pero hindi ko malilimutang ang saya at sakit na dinulot nito saakin.
Hoy Kurt umayos ka nga!!
Naintindihan mo ba yung tinuro ni Ma'am Arsenio kanina?
Ano ka ba naman Kurt, ako na nga yung bulag dito, ako pa masipag
Ano ka ba, siyempre hinde hahaha
Oo na, sorry na. Pangako makikinig na ako sa klase para sayo hehe
Hahahahahah
Tuwing umaga nakikita ko sya kausap ang kaibigan nya sa pasilyo ng paaralan, sa tapat ng mga locker ko siya sinusundo para maglakad papunta sa klase mga klase namin.
10:44 PM04/12/2022
Dahil sa kapansanan niya lagi ko buhat-buhat ang mga gamit niya para sa klase. Ako kasi ang napagbilinan ng mga magulang niya dahil magkapitbahay lang kami.  Wala naman sakin ang simpleng paghatid at sundo sakanya, natutuwa pa ako dahil madalas ko siya makasama. 
Hilig ko talagang biruin si Kath kapag pinapagalitan niya ako. madali kasi siya panghinaan ng loob  dahil hindi siya naniniwala na maganda ang magiging hinaharap nya. dahil hindi siya nakakakita
Simula noong lumipat sila sa bahay katabi ng saamin ay talagang nagustuhan ko na si Kath at hanggang ngayon ay nahihiya parin ako aminin sakanya ang nararamdaman ko.
Masaya ako sa pgkakaibigan namin ni Kath, pero mayroong mga araw na nais ko rin malaman ang nararamdaman niya sakin. Gusto niya rin kaya ako? Magagawa kaya niya ako mahalin kahit lagi ko siyang binibiro? Basta ang alam ko ay mahal ko siya kahit ano pa siya.
Over 40 Million Storyboards Created
No Downloads, No Credit Card, and No Login Needed to Try!