Si Mathilde Loisel ay may taglay na kagandahan kaso siya ay ipinanganak na mahirap at ang kaniyang napangasawa ay isang manunulat na kaunti lamang ang kita. Kaya't minsan silang maimbitahan sa sayawan ay hindi siya nasiyahan.
Upang siya ay mapapayag ay binilhan siya ni G. Loisel ng magarbong damit at nagtungo siya kay Madam Forestier upang manghiram ng isang kwintas sapagkat gusto niyang mangibabaw sa okasyon.
Nang dumating sa okasyon ay nangibabaw sa kagandahan ni Mathilde ngunit hindi inaasahan ay nawala niya ang kwintas na hiniram niya kay Madam Forestier. Hindi na nila ito mahanap kaya naisipan nilang palitan na lang ng kapareho ang mamahaling kwintas.
O, kahabag habag kong Mathilde! Ang ipinahiram kong kwintas sa'yo ay imitasyon lamang, ang halaga noon ay limaang daang prangko lamang.
Nakahanap sila ng kapareho pero sa sobrang mahal nito kung kani kanino sila nanghiram hanggang sila'y mas maghirap na naging sanhi ng pagkawala ng kagandang taglay ni Mathilde.
Isang araw, nakita ni Mathilde si Madam Forestier na may kasamang isang batang babae kaya agad siya nagpakilala. Nagtaka si Madam Forestier kaya't doon nag umpisang maghayag ng kwento si Mathilde.
Labis ang gulat ni Madam Forestier sa kwenton ni Mathilde. Nahabag ito pagkat ang kaniya palang pinahiram na kwintas ay isang imitasyon lamang.
Over 30 Million Storyboards Created
No Downloads, No Credit Card, and No Login Needed to Try!