Sina Mina at Mirei ay ang kambal na anak ni Aling Mirna. Sila ay ipinanganak na mayroong magkaparehong mukha o tinatawag ding identical twins sa ingles. Habanglumalaki ay makikita na ang pagkakaiba sa kanilang mga personalidad.
Si Mina ay morena at kulot ang buhok at si Mirei ay maputing balat at tuwid na buhok. Kahit na maypagka-mahiyain, si Mina ay may taglay na galing sa pag-awit at si Mirei namanay may angking talento sa pagsayaw. Sa kabila nito, hindi maiiwasang paghambingin angdalawa dahil sa mas bibo at mas aktibo si Mirei sa pagsali sa mga patimpalak.Bagay na ipinagkaiba niya sa kaniyang kambal na mahiyain at tahimik lamang.
Nang dumating ang pista sa kanilang bayan, sumali siMirei sa kumpetisyon sa pagsayaw. Hinikayat ni Mirei si Mina na sumali sapaligsahan sa pagkanta ngunit dahil pinangunahan ng hiya, mariing tumanggi siMina. Sumapit ang pagdiriwang ng pista at nagkamit ng pinakamataas na parangalsi Mirei. Lubos na nagalak sina aling Mirna at Mina sa tagumpay na ito.