Jazel!! Gumising ka diyan at bumili ka ng sabong pang ligo, bilisan mo!
Pangalawang pangyayari
Ano ba 'yan! Nakakainis ginising pa ako!
Pangatlong Pangyayari
Bakit pa kasi ako ang pinabili? Takot nga ako maglakad mag-isa sa dilim.
Gumising ang aking Tatay para maligo at pumasok na sa kaniyang trabaho pero noong maliligo na siya ay walang sabong pang ligo na magamit kaya ginising niya ako mula sa mahimbing kung pagkakahimlay sa aking higaan para bumili ng gagamitin n'ya.
Pang-apat na Pangyayari
Salamat po
Tumayo na ako at lumabas ng bahay para bumili ng sabon kahit na madalim-dilim pa sa labas ng bahay namin. Pero hindi ko napansin ang paligid dahil sa galit na ginising ako ng Tatay ko para bumili ng sabon. Kaya patuloy lang ako sa paglalakad hanggang makapunta sa tindahan.
Pang limang Pangyayari
Nang malapit na ako sa tindahan ay unti-unti kung napagtanto na madalim ang paligid at nakakatakot maglakad mag-isa.
Pang anim na Pangyayari
Nang nakabili na ako ng sabon ay lumabas at nag madali na akong maglakad para makabalik agad sa bahay.
Dala-dala ko na ang sabon na ipinabili sa'kin at malapit na ako sa bahay nang bigla akong nakaramdam ng takot dahil sa tingin ko ay mayroong sumusunod sa likuran ko kahit na wala naman akong taong nakikita. Kaya ako ay tumakbo ng mabilis para makauwi agad.
Habang ako ay tumatakbo papunta sa bahay namin may naaninag akong parang batang na naka suot ng puting bistida sa harap ng bahay namin, hindi ko nakita ng maayos kung bata ba talaga iyon dahil madilim at takot na takot narin ako. Kaya ako'y napasigaw ng malakas na umabot hanggang bahay. Pero nung nilapitan ko ito ay aso lang pala na napadaan sa harap ng bahay namin. Natawa na lang ako sa sarili ko dahil sa sobrang takot ko ay kung ano-ano na lang ang naiisip ko. At nang ako ay nakapasok na ng bahay ay sinabi ko sa Pamilya ko kung ano ang nangyari sa akin habang ako ay pauwi na.
AAAAAAAAAAHHHHH!!!!!
Over 40 Million Storyboards Created
No Downloads, No Credit Card, and No Login Needed to Try!