Masipag na nag araro ang batang lalaki sa gitna ng bukid at nakikipaghabulan sa araw.
"Sana nga anak, harinawa nga."
Isang hapon noon nag-uusap sila kasama ang kanilang ama.
"Kaunting panahon na lamang at hindi na tayo magdaranas ng paglulukot ngtiyan at muling manunumbalik ang iyong lakas, Itay.
Isang araw pa bago mag-anihan. Taliwas sa mga pangyayari ay umusbong ang panganib sa kabukiran. Ilang sandali'y narinig nila ang mga yabag ng papalapit na mga paa na aali-aligid sa kanilang kubo.
"Pinalalayas na kayo ni Don Miguel, tapos na ang inyong palabas.
"Hindi kami makapapayag, ang lupang ito ay sa amin, minana pa ng aking ama sa aming mga ninuno. Hindi kami aalis dito, magkakamatayan na tayo".
"Huwag kayong lalabas, ako ang bahala”
Umalingawngaw ang inakatutulig na putok at nabaril ang kanyang kuya Lito. Ang kirot na nadarama ng kanyang kuya Lito ay dama niyang dumampi sa hapis na katawan ng kanyang murang isipan.
Makalipas ang tatlong araw...
"Anak, hindi na ako magtatagal. Simulang pagkabata ay hinangad namin ngiyong ina ang magandang kinabukasan ninyong magkapatid subalit ipinagkait ngtadhana sa atin. Wala tayong salapi at ang tanging maipamamana namin ay angnatitirang kapirasong lupang ito."
"Huwag ka sanang mawawalan ng pag-asa, alalahanin mong ang tao aynabubuhay sa daigdig ng pakikibaka. Ang gabi'y hindi mananatiling madilim sapagkatito ay may kinabukasan, at pagbubukang liwayway, magiging maliwanag angkapaligiran."
Sa lahat ng kanyang napagdaanan, umusal siya ng kaunting dalangin, humakbang ang kanyang paa at siya lamang ang nakakalaam kung saan siya pupuhta.
"Anak, lagi mong tatandaan na ang nabubuhay ng walang pagtitiis sa daigdig at nagpapagapi sa maling daloy ng takbo ng panahon ay tulad sa isang lupang nakatiwangwang at walang pataba, tubuan man ng halaman, ang dahon ay nalalanta at kung mapilitan namang mamulaklak ay naluluoy ang bunga at bumabagsak sa lupa."
Ang huling katagang sinabi ng kanyang ama bago ito pumanaw.
ANG KATAPUSAN
Over 40 Million Storyboards Created
No Downloads, No Credit Card, and No Login Needed to Try!