May bahid ng ngiti ang mga salitang binitiwan ng kanyang kuya Lito isang haponnoon habang kausap nito ang kanilang ama na nakaratay sa kamang yari sa kawayan.
"Kaunting panahon na lamang at hindi na tayo magdaranas ng paglulukot ngtiyan at muling manunumbalik ang iyong lakas, Itay."
"Hindi kamimakapapayag, ang lupang ito ay sa amin, minana pa ng aking ama sa aming mganinuno. Hindi kami aalis dito, magkakamatayan na tayo".
Isang araw pa bago mag-anihan. Taliwas sa mga pangyayari ay umusbong angpanganib sa kabukiran. Ilang sandali'y narinig nila ang mga yabag ng papalapit na mgapaa na aali-aligid sa kanilang kubo. Tumaas ang kilay ng kanyang kuya Lito sabayhablot sa tabak na nakasabit sa may haligi ng dingding.
"Pinalalayas na kayo ni Don Miguel, tapos na ang inyong palabas.
"Huwag ka sanang mawawalan ng pag-asa, alalahanin mong ang tao aynabubuhay sa daigdig ng pakikibaka. Ang gabi'y hindi mananatiling madilim sapagkatito ay may kinabukasan, at pagbubukang liwayway, magiging maliwanag angkapaligiran." Kasabay ng panghihinang yaon ay may ibinulong pa ang kanyang amabago malagutan ng hininga.
"Anak, hindi na ako magtatagal. Simulang pagkabata ay hinangad namin ngiyong ina ang magandang kinabukasan ninyong magkapatid subalit ipinagkait ngtadhana sa atin. Wala tayong salapi at ang tanging maipamamana namin ay angnatitirang kapirasong lupang ito."
Over 40 Million Storyboards Created
No Downloads, No Credit Card, and No Login Needed to Try!