Isang araw sa isang syudad may isang binata na nag ngangalang Arthur. Siya ay may koleksyon na mga figurines. Linalagay niya ang mga ito sa isang display cabinet, ngunit hindi niya alam na may buhay pala ang mga ito.
Tawagan ko kaya si Nokia 3310. Guys ano sa tingin niyo!?
Tuwing iniiwan niya ang mga ito tsaka naman nagsisibangon ang mga figurines/laruan niya. Ang pangalan o code name ng mga ito ay Nokia 3310, Iphone 12, Iphone 11, Iphone 8, Oppo A9, Realme XT at Vivo Apex. Silang lahat ay magkakaibigan ngunit hindi dito kabilang si Nokia 3310. Ang magkakaibigan ay walang kasing sama, binubully at trinatrato nila si Nokia 3310 na para bang alipin nila ito.
Sundin ko na lang sila. Ayaw ko naman mabugbug. Haysttt buhay!
Isang maaraw na hapon, dumaan si 3310 sa harap ng magkakaibigan. Pinagtawanan at pinag-aasar ito ng mga magkakaibigan. "Napaka lamya mo naman kumilos" sabi ni Iphone 12 "Kaya nga, bakla ka ba? dagdag ni Iphone 11 kasabay ng pagtawa ng magkakaibigan. Hindi na lamang ito pinansin at binilisan ang paglakad umang hindi na marinig ang panunukso ng magkakaibigan.
Isinusumpa ko kayo!
Kinabukasan nagtungo na sa bakuran and magkakaibigan upang mag laro at mag kuwentuhan. Naisipan naman ni Realme XT na tawagan at utos utusan si Nokia 3310. Pagtapos ng paguusap nila tumawa naman ang magkakaibigan na para bang nanalo sila sa lotto.
Ako na ang tatawag. RINGGG"Pumunta ka dito sa bakuran at dalahan mo na din kami ng pagkain kung ayaw mong magulpi
Sa takot naman ni Nokia 3310 na magulpi sinunod niya ang mga ito at pumunta na sa bakuran upang dalhin ang mga pagkain o meryanda na hinanda niya. Pagdating niya roon ay dali-dali niyang binaba and meryenda at kasabay non ang pagtulak sakanya ni Vivo Apex. Natumba siya at ng may paru-parong dumapo sa pagkain ng magkakaibigan. Binugaw naman ito ni Oppo A9.
Naging isang magandang diwata ang paru-paro at sinabing "pinagmamasdan ko kayo araw-araw at batid niyo na hindi tama ang mga pinaggagawa niyo". Kitang kita naman ang takot ng magkakaibigan sakanilang mga mata. "Bilang parusa kayo ay isinusumpa ko! kayo ay gagawin kong bagay, bagay na kinocontrol at kayo ay magdudusa" at naging hugis parihaba naman ito na napippindot at nakokontrol na tinatawag nating ngayon na cellphone.
Over 30 Million Storyboards Created
No Downloads, No Credit Card, and No Login Needed to Try!