Isang araw pa bago mag-anihan. Taliwas sa mga pangyayari ay umusbong angpanganib sa kabukiran. Ilang sandali'y narinig nila ang mga yabag ng papalapit na mgapaa na aali-aligid sa kanilang kubo. Tumaas ang kilay ng kanyang kuya Lito sabayhablot sa tabak na nakasabit sa may haligi ng dingding.
"Huwag kayong lalabas, ako ang bahala” ang sabing may pag-uutos.
"Kaunting panahon na lamang at hindi na tayo magdaranas ng paglulukot ngtiyan at muling manunumbalik ang iyong lakas, Itay."
"Hindi kamimakapapayag, ang lupang ito ay sa amin, minana pa ng aking ama sa aming mganinuno. Hindi kami aalis dito, magkakamatayan na tayo".
"Pinalalayas na kayo ni Don Miguel, tapos na ang inyong palabas.
"Sana nga anak, harinawa nga."
Narinig niya ang mga kasa ng baril habang hinuhugot ng kanyang kuya Lito angmatalim na tabak.
Tatlong araw na ang nakararaan matapos tabunan ng lupang putikan angbangkay ng kanyang kapatid ay hindi pa rin mahugot ang nasa itaas habang silangnasa ibaba ay dumaraing. Ang ama ang tinik sa naglalatang niyang dibdib. Alam niyanghumahalakhak niya ay lalong naratay sa sakit bunga ng tinamong kasawian ng kanyang kuya Lito.
Sa bawat pagpitlag ng katawang naghihingalo ay siya namang pagpatak ngluhang pumapaimbabaw sa kanyang mga mata. May kung anong damdaming nag-uumalpas sa kanyang dibdib subalit hindi maipaliwanag ng kanyang sarili. Hindiniyamaintindihan. Ang alam niya ay may apoy na naglalatang sa kanyang isipan.
"Huwag ka sanang mawawalan ng pag-asa, alalahanin mong ang tao aynabubuhay sa daigdig ng pakikibaka. Ang gabi'y hindi mananatiling madilim sapagkatito ay may kinabukasan, at pagbubukang liwayway, magiging maliwanag angkapaligiran." Kasabay ng panghihinang yaon ay may ibinulong pa ang kanyang amabago malagutan ng hininga.
"Anak, hindi na ako magtatagal. Simulang pagkabata ay hinangad namin ngiyong ina ang magandang kinabukasan ninyong magkapatid subalit ipinagkait ngtadhana sa atin. Wala tayong salapi at ang tanging maipamamana namin ay angnatitirang kapirasong lupang ito."
"Anak, lagi mong tatandaan na ang nabubuhay ng walang pagtitiis sa daigdig atnagpapagapi sa maling daloy ng takbo ng panahon ay tulad sa isang lupangnakatiwangwang at walang pataba, tubuan man ng halaman, ang dahon ay nalalanta atkung mapilitan namang mamulaklak ay naluluoy ang bunga at bumabagsak sa lupa."
Pinagdaop niya ang kanyang palad at mukha'y bahagyang itiningala sa langit,umusal ng kaunting dalangin. Saglit lamang iyon at humakbang ang kanyang mga paa,tanging siya lamang ang nakababatid kung saan talaga siya pupunta.