Ang ganda ng aking bagong damit. Mas maganda pa sa iba dyan. At napakagaling ko at nanalo ako sa labanan ng mga gagamba, ulit!
Baryo Himig-an
HAHHAHA! Ang pangit naman ng boses niya. Sigurado itlog ang grado ng mga hurado sa kanya pag kumata siya!
Kaya mo yan, Gitara!
Noong unang panahon, sa Baryo ng Himig-an, may dalawang magkapatid na babae, sina Gitara at Byolin. Tunay na nagmamahalan at inaalagaan nila ang isa’t-isa, lalo na na ulila na sila. Ngunit kahit ganoon, masaya pa rin sila. Si Byolin ay biniyayaan ng kay tamis at ganda na boses, na sa tuwing kumakanta siya ay naaakit ang lahat. Siya rin ay mapagkumbaba, mabait at makasarili na tinutulungan niya ang lahat ng taong nangangailangan. Habang si Gitara naman ay di gaano kagandahan ang kanyang tinig, siya rin ay may pagkamayabang dahil binabansag niya lahat ng mayroon at nagawa niya.
Ako ang napili!
ANG ALAMAT NG GITARA
Isang araw, nagpa-audition ang kanilang baryo upang makapamili ng isang tao na kakatawan para sa kanilang baryo sa paligsahan ng pag-awit. Gustong-gusto sumali ni Gitara ngunit di siya magaling kumanta kaya naman ay pumunta siya sa ilog upang subukang magensayo. Nang nakailang ulit na siya at wala pa rin nagbabago, ang mga batang napadaan ay pinagtatawaanan siya at nagsimula na siyang sumuko.
ni Danielle Nicole E. Garcia
Hay, Gitara!
Tulong!
Hanggang sa mayroon siyang nakitang liwanag at doon ay nakita niya ang isang engkanto. Natakot si Gitara ngunit sinabi ng engkanto na huwag siyang matakot, sapagkat nandito raw siya upang tulungan siya. Ang engkanto ay nagpakilala bilang si Maestro, ang engkanto ng musika. Kaya niyang tulungan ang mga namomroblema sa musika. Kaya naman agad-agad kwinento ni Gitara ang lahat at agad-agad ring binigyan si Gitara ng magandang boses. Tuwang-tuwa ang dalaga sapagkat maganda na rin ang tinig niya.
Gitara
Pagkatapos ng auditions, nalaman na ng lahat ang kinatawan ng Baryo Himig-an, at yon ay si Byolin. Kay saya-saya ni Byolin ngunit napuno ng galit at inggit si Gitara sapagkat hindi siya ang pinili dahil mas nangingibabaw pa rin si Byolin. Ngunit hindi sumuko si Gitara, kaya nag-isip siya ng isang buktot na plano.
Nang dumating ang araw ng paligsahan, lahat ay nagtipon-tipon sa plasa. Habang naghahanda na ang lahat ng mga patimpalak, pinuntahan ni Gitara ang kanyang kapatid sa banyo at ikinulong ito. Mabilis siyang nagpalit ng damit at naghanda. Nang oras na dapat ni Byolin, si Gitara ang nagsimulang umawit sa entablado. Ang lahat ay nagulat sa nakita nila, na si Gitara ang kumakanta at hindi si Byolin, at sa kasamaang palad ay nakita rin ni Maestro ang mga pangyayari. Kaya naman, bago matapos ang kanyang pagtatanghal ay itinaas niya si Gitara mula sa entablado at unti-unting nagbago ang kanyang wangis. Ang kanyang balat ay naging kahoy, ang buhok niya ay naging mga makakapal na sinulid at hinati sa anim at nakita na lamang siya bilang isang instrumento na katulad sa isang lira.
Nasagupa ni Byolin ang mga pangyayari matapos siya makalabas. Napuno ng luha ang kanyang mga mata, kahit na pinagtaksilan siya nito, mahal niya pa rin at naawa siya sa kinahantungan ng kanyang kapatid. Matapos ang mga pangyayari noong araw ng paligsahan, hindi pa rin tumigil si Byolin sa pagkanta. Sumasali siya sa mga paligsahan at kumakanta rin siya sa mga pagdiriwang. At sa tuwing kumakanta siya, lagi niyang kasama at pinatutugtog ang instrumentong pinagmumulan ng kanyang kapatid, at tinawag niya itong Gitara.