Nang naihatid siya sa gubat, may naririnig siyang boses mula sa batis. Nakita ang tatlong dalaga. Ito ay sina Sinang, Victoria at si Maria Clara na nagkukuwentuhan at nagtatampisaw sa batis. Nagtago sa tabi ng puno si Padre Salvi at pinagmasdan ang mga dalaga. Mga ilang minuto at napagpasyahan na niyang umalis at hanapin ang mga kalalakihan.
Maagang natapos ang misa n Padre Salvi kaya't nakapag-almusal siya kaagad. Habang siya'y nag-aalmusal, siya'y nakatanggap ng isang liham at biglang nawalan ng ganang kumain nang nabasa ang liham. Nagtungo siya sa gubat.
Hanapin ang babaeng 'yan! Naipangako kong hahanapin ko ang mga anak niya.
Nang nakapunta na siya sa piknik ay binati siya ng mga tao sa piknikan. Tinanong siya ng Alperes ."Napano kayo, Padre?". Ang tinugon naman ni Padre Salvi sa Alperes ay "Ako po ay naligaw". Pagkatapos nilang magpalitan ng salita ay siyang nagkasiyahan ang grupo at naginom ng kani-kanilang Lemonada. Nabanggit ni Padre Salvi kung bakit hindi nakapunta si Padre Damaso.
Maya-maya, dumating si Sisa, papakainin sana siya ni Crisostomo ngunit bigla itong umalis. Napunta sa usapan ang pagkawala nina Crispin at Basilio, mga sakristan ni Padre Salvi. Naging maigting ang pagtatalo nina Pari Salvi at Don Filipo sapagkat sinabi ng Don na higit pang mahalaga sa Kura ang paghahanap sa nawawalang ostya kaysa sa kanyang dalawang sakristan.
Namagitan si Ibarra sa dalawa dahil sila ay nagbabangayan. Sambit nya sa mga kasama niya na "Hanapin ang babaeng 'yan! Naipangako kong hahanapin ko ang mga anak niya." Mula sa kaniyang bulsa, inilabas na sulat at hinati niya ito kay Maria Clara at ang natitira ay kay Sinang. Iniwan muna ni Ibarra ang kaniyang mga kaibigan. Samantala, nagpatuloy ang paglalaro ng mga binata't dalaga ng mga chess at ang kanilang tinatawag na Gulong ng Kapalaran.