Ayos lang naman kami.Pupunta kami sa school.Gusto mo ba sumama?
Bakit? Ano bang meron sa school?
Meron kasing gaganapin na pagpupulong tungkol sa mga paraan upang maiwasan ang kalamidad.
Gusto mo sama ka na lang sa amin para magkaron ka din ng alam sa mga dapat gawin.
Sige wala naman din akong gagawin.
Sigurado akong madami tayong matututuhan sa pagpupulong na ito.
Excited na nga din akong makinig.
Mukhang hitik sa kaalaman ang ating malalaman.
Magandang tanghali sa inyong lahat!Andito tayong lahat upang ating malaman ang maaari nating maitulong upang mabawasan ang epekto ng kalamidad sa ating bayan. Nangunguna na sa kalamidad na ito ay ang pagbaha. Kailangan na tayong magsimulang magtanim ng mga puno upang makatulong ang mga ito na mabawasan ang pagbaha ganun din ang pagguho ng lupa. Makakatulong din ang mga puno upang mabawasan ang polusyon sa ating kapaligiran.Kaya simulan na natin ang pagtutulungan at magsimula nang magtanim.
Over 30 Million Storyboards Created
No Downloads, No Credit Card, and No Login Needed to Try!