Anak, na ibinunga ng pag-ibig ng matipunong kabiyak.Sa wakas, ako’y kahati ng kaniyang puso, ina ng kaniyang unang anak.Ang kaniyang kaluluwa’y ligtas sa iyong pag-iingat,Aking supling, ako, ako na sadyang sa iyo’y humulma.
Samakatuwid, ako’y lumigaya.Samakatuwid, ako’y kapilas ng buhay.Samakatuwid, ako’y nagtamasa ng dangal.
Ikaw ang kaniyang kalasag at sibat, pag-asa’t kaligtasan sa hukay.Sa iyo, siya’y muling mabubuhay tulad ng suwi sa kalupaan.At ako ang ina ng kaniyang panganay.Ika’y mahimbing, supling ng leon, nyongeza’t nyumba.Ika’y mahimbing,Ako’y wala nang mahihiling.