Search
  • Search
  • My Storyboards

Pamana

Copy this Storyboard
Pamana
Storyboard That

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Storyboard Text

  • Walang tigil sa paghatak ang aninong subsob na palikyad likyad na tumataluntonsa mga pilapil. Baku-bako ang lupang tinatapakan ng mga paang nangangatog sapaghakbang. Mula sa kunot na nuo ay utay-utay na umanod ang ganggabutil na pawis.Lakad-takbo ang kanyang ginawa habang tinitiis ang pagkangalay ng mga kamay nabumibitbit sa konting butil ng bigas at ilang gamot. Kailangang makipaghabulan siya saoras, ang bawat sandali'y mahalaga para sa kanya. Nag-uumagting ang kanyangkalamnan habang nakikipaghabulan sa papalubog na araw. Napatiimbagang siya sagalit sa takbo ng panahon.
  • Marahil ay ganoon din ang nararamdaman ng kuya Lito niya noon. Matindingpoot sa dibdib ang naghihimagsik lalo pa't ang natitirang pag-asa'y nabahiran ngpagkabigo.
  • Isang araw pa bago mag-anihan. Taliwas sa mga pangyayari ay umusbong angpanganib sa kabukiran. Ilang sandali'y narinig nila ang mga yabag ng papalapit na mgapaa na aali-aligid sa kanilang kubo. Tumaas ang kilay ng kanyang kuya Lito sabayhablot sa tabak na nakasabit sa may haligi ng dingding.
  • Marahang kumilos ang lumang araro sa gitna ng bukid, Miguel. Hindi alintana ngkanyang kuya Lito ang init ng singkad ng araw na tumitimo sa bahaging laman ngkanyang batok. Hangad palibhasa'y makaahon sa lupa at masilayan ang langit.
  • "Pinalalayas na kayo ni Don Miguel, tapos na ang inyong palabas."
  • Nakita niya ang pananalim ng mata ng kanyang kuya. "Hindi kamimakapapayag, ang lupang ito ay sa amin, minana pa ng aking ama sa aming mganinuno. Hindi kami aalis dito, magkakamatayan na tayo".
  • Tatlong araw na ang nakararaan matapos tabunan ng lupang putikan angbangkay ng kanyang kapatid ay hindi pa rin mahugot ang nasa itaas habang silangnasa ibaba ay dumaraing. Ang ama ang tinik sa naglalatang niyang dibdib. Alam niyanghumahalakhak niya ay lalong naratay sa sakit bunga ng tinamong kasawian ng kanyangkuya Lito.
  • Kinabukasan ay di maalis ang pagkakapako ng kanyang paningin sa gilid ngkanilang kubo na kinaroroonan ng lumang araro. Lumapit siya at hinawakan ito,papahigpit ng papahigpit. Nagtatagis ang kanyang mga bagang. Ang nasasaisip niya'ydarating din ang panahong siya ay lalaki at gagamitin ang ararong yaon. Sasapit dinang panahong siya'y magiging isang ama. Pumailanlang sa kanyang balintataw angmga katagang ibinulong sa kanya ng ama hanggang sa huling sandali.
  • "Anak, hindi na ako magtatagal. Simulang pagkabata ay hinangad namin ngiyong ina ang magandang kinabukasan ninyong magkapatid subalit ipinagkait ngtadhana sa atin. Wala tayong salapi at ang tanging maipamamana namin ay angnatitirang kapirasong lupang ito."
  • Pinagdaop niya ang kanyang palad at mukha'y bahagyang itiningala sa langit,umusal ng kaunting dalangin. Saglit lamang iyon at humakbang ang kanyang mga paa,tanging siya lamang ang nakababatid kung saan talaga siya pupunta.
  • "Anak, lagi mong tatandaan na ang nabubuhay ng walang pagtitiis daigdig atnagpapagapi sa maling daloy ng takbo ng panahon ay tulad sa isang lupangnakatiwangwang at walang pataba, tubuan man ng halaman, ang dahon ay nalalanta atkung mapilitan namang mamulaklak ay naluluoy ang bunga at bumabagsak sa lupa."
Over 30 Million Storyboards Created
No Downloads, No Credit Card, and No Login Needed to Try!
Storyboard That Family