Noong unang panahon, sa Kaharian ng Taluton,may isang prinsipe na ubod ng katapangan, si Prinsipe Hablon. Ito ang bigay na kalakasan ng diyos ng katapangan sa kanya upang mapagtanggol ang kanilang kaharian. Kung kaya lahat ng digmaan na kanyang pinamumunuan ay laging panalo.
Tuwing umuuwi ang prinsipe galing digmaan...
Binabati kita sa husay mo sa pakikipaglaban anak, Prinsipe Hablon.
Maraming Salamat Amang Haring Manko.
Isang araw...
Opo amang Hari, hindi kailanman mapapasa sa kanila ang ating kaharian.
Anak, kailangan mong pamunuan muli bukas na bukas ang digmaan laban sa kaharian ng Minrasa.
Kinabukasan sa gitna ng labanan.
Hanggang sa loob ng 65 na araw na nagdaan. Sa wakas ay nakaharap na ni Prinsipe Hablon ang namumuno sa labanan ng kaharian ng Minrasa, si Prinsesa Bana.
Isa kang babae?
Oo, at hindi ito hadlang upang labanan ka! Humanda ka ngayon!
Tulad ng prinsipe, noon pa man, si Prinsesa Bana naman ay napagkalooban ng diyos ng kagubatan ng natatanging ganda at lakas.... Sa sandaling iyon, lumakas ang tibok ng puso ni Prinsipe Hablon. Sa unang pagkakataon umatras siya sa laban.