Ako si Elvera Lascuña, isa akong Domestic Helper dito sa Hongkong. Isa akong single mom at ang anak ko ay si Shanice.
Andito ngayon si Elvera Lascuña, isang OFW. Andito siya para ibahagi ang kanyang kuwento sa buhay.
Anak, Pupunta na akong ibang bansa para mag trabaho para magiging mabuti ang ating buhay.
Paalam anak, Mahal na mahal kita. Mag- aral ka mabuti. Nay, diyan muna si Shanice sa inyo habang wala ako, ingatan mo siya. Anak, Shanice gagawin ko lahat para mapabuti ang iyong buhay at para mabigay ko ang lahat na gusto mo.
Ako si Elvera Lascuña, ako ay isang Domestic Helper sa Hongkong at nangingibang bansa ako dahil gusto ko na may magandang kinabukasan ang aking anak at gusto kong magkaroon ng sariling bahay.
Nandito na ako sa Hongkong, Sana mabait at mapagmahal ang aking amo.
Noong bata pa Shanice, isa akong saleslady sa isang mall. Naisipan ko na paano pag lumaki si Shanice at hindi sapat ang aking sweldo. Kaya napagisipan ko na mag apply ako sa abroad. Para sa ikabubuti naming dalawa.
Sila ang aking mga alaga, Si Ronnie at Raven. Mahal na mahal ko sila at mahal na mahal din nila ako.
Ibinilin ni Elvera si Shanice sa kanyang ina para may mag alaga sa kanyang anak.
Kahit na mahirap malayo sa pamilya, Gagawin ko lahat para maitaguyod ang aking pamilya at makagawa na ako ng sarili naming bahay. Mabuhay kaming mga OFW!
Dumating na si Elvera sa Hongkong, Nakilala na niya ang kanyang amo at ang maganda ay mabait ang kanyang amo at tinuring siyang totoong kapamilya.
Dalawa ang alaga ni Elvera at mahal na mahal niya ito. Sila sina Ronnie at Raven, tinuring din nila si Elvera bilang ikalawang ina at mahal na mahal din nila si Elvera.
Masakit malayo sa pamilya pero kailangan mong maging matatag at matapang para sa kinabukasan ng iyong pamilya. Kahit pagod ka bawal kang hindi magtrabaho dahil ginagawa mo to para sa pamilya mo. Masaya si Elvera dahil ang kanyang amo ay hindi mapang-abuso. At yan ang buhay ni Elvera Lascuña.
Over 30 Million Storyboards Created
No Downloads, No Credit Card, and No Login Needed to Try!