Unang Sabado, hiniling ni Rebo na ipagdiwang ang kaniyang kaarawan kaya nangumbida ng maraming bisita ang kaniyang tatay. Dapat ito ang pinakamasayang Sabado sa lahat.
Samantala, noong Ikalawang Sabado, naki-bertday naman siya. Pagkatapos ay muling naglarong beyblade kasama ang mga pinsan.
Tatlong araw bago dumating ang Ikatlong Sabado ay bihira nang ngumiti si Rebo dahil sa unti unti nitong nararamdaman ang panghihina ng kaniyang katawan. Hindi na niyang makuhang laruin ang beyblade ngunit hindi niya pa rin ito binitawan sa kaniyang kamay o di kaya's sa bulsa.
Ikatatlong Sabado, tuluyan nang nakalbo si Rebo. Subalit di na kusang nalagas ang mga buhok. Sa kaniyang muling pagkairita, sinabunutan niya ang kaniyang sarili upang tuluyang matanggal ang mga buhok.
Kaya kahit nang dalhin si Rebo ng kaniyang tatay sa isang karnabal, isa lamang ang ninais niyang sakyan. Ang maliliit na helicopter na tumataas at bumababa. At tuwing tataas, hahanapin ni Rebo ang kaniyang tatay sa baba at malungkot na ngingitian.
Ika-apat na Sabado, di na maikakaila ang mabilis na pagkapawi ng lakas ni Rebo. Hindi niya na maipasok ang pisi ng beyblade dahil sa ramdam na niya ang pagod at hinihingal na siya sa kaniyang pagsasalita.
Ikalimang Sabado, kasabay ng pagtatapo ng buwan ng Pebrero saka pumanaw si Rebo. Ilang sandali matapos ang sabay na pagpatak ng luha sa kaniyang mga mata, saka niya muling ibinuga ang kaniyang huling hininga.
Sa Wakas, ika-anim ng Sabado, paglabas ni Rebo sa Ospital. Wala na ang beyblade at ang may ari nito. Payapa na silang nakahimlay sa loob ng kabaong. Magkasamang tutungo sa lugar na walang sakit at walang gutom.
Rebo
Over 40 Million Storyboards Created
No Downloads, No Credit Card, and No Login Needed to Try!