Tahimik ang tribo namin noon nang misteryosong nagkasugat-sugat ang aming makikinis na pangarap.Mga manika kaming tinusok-tusok ng isang panginoong nasa malayong tore.
"Kinuha na nila ang ating lupain" wika ng aking ina. sa aming lengguwahe, limang dekada na ang nakakaraan. Nagkasakit din siya at sumunod sa aking ama. Ako na lamang mag-isa.
Isang hapon, nang nabalitang magpupunta rito "ang mga Tagalog na may mahahabang baril," pumunta ako sa gilid ng aming taniman at kumurot ng lupa, saka inilagay sa loob ng isang bote.
"We are giving our indigenous......" Nagpalakakan ang lahat. Ano daw? 'di ko alam, pumapalakpak na lamang tayo-iyon ay matapos kaming mapaalis sa aming lugar.
Isang Ata-Manobong iskolar, nagtapos sa prestihiyosong unibersidad. "Ang bote na aking hawak ngayon ay naglalaman ng ispiritu natin, ng mga Ata-Manobo. Ito lamang ang aking nakuha mula sa kayamanang ninakaw mula sa atin."
Kinabukasan, bago pumunta sa paliparan ay nagpaalam muna ako kay Ms. Winters na pupunta ng dalampasigan. Isinaboy ko sa tubig ang lupa mula sa bote na parang abo ng isang mahal sa buhay. Paalam.
Over 40 Million Storyboards Created
No Downloads, No Credit Card, and No Login Needed to Try!