Search
  • Search
  • My Storyboards

12.4.1

Copy this Storyboard
12.4.1
Storyboard That

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Storyboard Text

  • Noong panahon ng digmaan at pananakop, may dalawang bansang nag-alitan para sa teritoryo. Ito ay ang bansang Rougekalt at Konigsland. Ang giyerang ito ay tumagal nang 12 na taon, at milyong-milyong tao ang namatay dahil sa mga sandata at mga sasakyang pang-giyerang ginamit ng dalawang bansa.
  • Sa isang bayan sa mga bundok na nakapalibot sa Rougekalt, nakatira ang isang lalaking nagngagalang Johannes. Siya ay anak ng isang light cavalry officer, na namatay ilang buwan lang bago ang kanyang ika-18th na kaarawan. Dahil dito, sumali siya sa hukbong sandatahan ng Rougekalt, kahit na alam niyang mamamatay siya.
  • Noong gabing iyon, siya ay sinundo ng isang grupo ng mga sundalo gamit ang isang trak. Sumakay siya dito, at, kasama ng iba pang mga kadete, pumunta sa isang Army Base, kung saan sila ay nagsanay at natutong maging isang sundalo. Siya ay pumasok sa isang Officer Course dahil sa kaniyang angking talino, at, pagkatapos ng ilang buwan, ay naging isang ganap na pinuno ng isang Platoon.
  • Ang platoon ni Johannes ay agad ipinoste at ipinuwesto sa isang bayan malapit sa giyera, na nakapuwesto ilang milya lang sa linyang pan-depensa ng Rougekalt. Agad-agad silang nagtayo ng mga depensa at base, at sinimulan ang paglikas ng mga residente ng bayan. Habang lumilikas ang mga residente, napansin ni Johannes ang isang hukbong Konigslander na paparating sa bayan.
  • Agad na iniutos ni Johannes na depensahan ang bayan, at ilikas ang mga sibilyan sa kahit anong paraan, kahit gamitin pa ang trak ng platoon. Pagkagat ng gabi, sinimulan ng mga Konigslander ang kanilang atake, at dinepensahan ng platoon ni Johannes ang unang linyang pandepensa na kanilang ginawa.
  • Kinabukasan, si Johannes ay nag-organisa ng isang atake sa mga pagod at nagpapahingang Konigslander, na nagtayo ng isang base-militar ilang daang metro lang mula sa linyang pandepensa ng mga Rougekalt. Sinimulan nila ang kanilang operasyoon nang 4 o'clock, at napatay nila ang ilang mga Konigslander bago sila tumakas papunta sa isang base ilang milya mula sa bayan. Namatay si Johannes dahil sa kaniyang mga sugat, pagkatapos niyang ipagtanggol ang ilan niyang sundalo laban sa mga bala ng machinegun. Pero dahil sa operasyon ni Johannes sa kalaban, nailikas na rin sa wakas ang lahat ng sibilyan sa bayan.
Over 30 Million Storyboards Created
No Downloads, No Credit Card, and No Login Needed to Try!
Storyboard That Family