Search
  • Search
  • My Storyboards

adrian

Create a Storyboard
Copy this Storyboard
adrian
Storyboard That

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Storyboard Text

  • Si Adrian ang bunso sa tatlong magkakapatid.Siya lamang ang naiiba ang propesyon dahil kapwa abogado ang dalawang nakatatanda sa kanya samantalang tinupad niya ang pangarap na maging doktor. Nang makapag-asawa ang mga kapatid, naiwan siyang iniisip lamang ang pag-aaral at pangangalaga sa mga magulang.
  • Simula nang pumanaw ang kanilang ina,naiwan na kay Adrian ang pag-aalaga sa ama na may sakit na ring iniinda. Gustuhin man niyang magtrabaho at manirahan sa ibang bansa gaya ng mga kapatid, ang tungkulin ng pangangalaga sa ama ang pumipigil sa kanya.Inggit na inggit siya sa mga kasabayang doktor dahil nasa kanila na ang luho at oras na makahanap ng babaing makakasama habambuhay.
  • Isang araw,habang nagpapahinga matapos ang halos limang oras na operasyon,nakatanggap siya ng tawag mula sa kasambahay na sinusumpong ng sakit ang kanyang ama.Nagmadali siyang umuwi at sa kabutihang palad, naagapan naman niya ang ama. Bahay. Ospital. Bahay. Ospital. Hindi niya namalayan, unti-unti na niyang naramdaman ang pagkaawa sa sarili
  • Daddy, patawad po. Nais ko lamang na lumigaya sa buhay.,Ayaw ko pong mag-isa balang-araw kapag kayo'y nawala. Dahan-dahan niyang binuhat ang ama na halos hindi na makapaglakad nang maayos. Pinasan niya ito at isinakay sa kotse. Walang imik na sumama ito. Naglakbay sila nang halos isang oras.
  • Huminto ang kotse at pinasan ni Adrian ang ama papasok sa isang kagubatan. Mabigat ang ama kaya paminsan-minsan tumitigil sila sa lilim ng puno upang magpahinga. Wala pa ring imik ang ama habang binabali ang maliliit na sanga. Paulit-ulit na binabali ng ama ang maliliit sa sangang kanilang nadadaanan.
  •  Nagtanong si Adrian tungkol dito. Tumugon ang ama nang nakangiti, Alam ko nais mo akong iligaw sa loob ng gubat. Anak, palatandaan ito na dito tayo dumaan, para sa pagbalik mo ay hindi ka maliligaw. Lalong bumilis ang pag-agos ng luha ng binata. Walang kaimik-imik, muling pinasan ni Adrian ang ama at bumalik sa lugar na pinanggalingan.Alam ni Adrian na hindi na siya maliligaw. Hinding-hindi na.
Over 30 Million Storyboards Created